Sunday, May 20, 2007

Majayjay version 1.07 ( Taytay Falls )






Dumarating ang panahon na kailangan nating magtiis sa kainitan ng tag araw, at dun sa mga walang aircon sa bahay natulad ko ay napipilitang bumili ng swimming pool na di hangin, Pero ano nga ba ang kayang gawin nito kundi ang panandaliang alisin ang init sa katawan habang ikaw ay nakababad sa tubig. Sa kabila ng matagal na paghihintay ng tubig para mapuno ang pool kakambal nito ang bill sa tubig na ubod ng laki..




Dumating ang aking barkada mula sa bansa ng mga Arabo. siya ay nag request sa akin na ipasyal ko sila ng kanyang magiina. Gamit ang pikup ng aking ama kasama ang isa ko pang barakada at gf kami ay nagpunta sa Majayjay Laguna.. medyo malayolayo pero sulit naman. sayang lamang at hindi kami pwedeng magpalipas ng gabi duon, dahil kasama namin ang kanyang isang taong gulang na anak.




Malamig ang tubig masarap maligo, ultimo ay naliligo ka sa pitsel na punong puno ng nyebe. saglit lang ang itinagal ng iba sa tubig dahil sa dulot na kalamigan nito. Pero ako ay di magpapatalo sa lamig sayang naman ang ginastos kung panunuorin kolang ang tubig..




Pag katapos ay umakyat kami at kumain ng pansit habhab, sa tindahan kung saan kami nanaghalian ng longanisa lucban at kalderetang kalabaw. Masarap at malasa ang aming kinain. sayang lang talaga at di kami makakatagal pa ng kauinti.. pero okay narin.. alam naman naming hindi ito ang huling punta sa majayjay dahil sa ganda ng lugar na ito hindi mo pagsasawaan at iyong babalik balikan....

No comments: