Tuesday, January 16, 2007
Makita kang MULI
Last Saturday (january 13, 2006) dinalaw ako ng one of my bestfriends, He lives in Paranaque, malapit lang but we haven't got the time to see each other and it took us atleast two years before we finally see each other. Well sobrang namiss ata namin ang isa't isa that we drunk 1 case of san mig lights and 1 liter Tequila (cuervo). We been drinking buddies since college sa PWU but its my first time to drink this much. Pero the odd thing is di ako nalasing, Malakas ako uminom but never ko na experience na uminom this much.. sa sobrang haba ng inuman namin nakapag Videoke kami courtesy of my bro's magic sing, nakapanuod kami ng movie (odessey) and nagsounds kami, siempre ung iskulbukol at porkchop na cd para medyo comedy.... Na isipan kolang i blog hehehe
Wednesday, January 10, 2007
Asan na nga Ba?
Naglalakad ako nuong isang araw pauwi ng bahay, napansin ko may tinatayo nanamang gusali, siguro para sa dorm o boarding house, napansin ko rin na ang dami ng nagbebenta sa may sidewalk papunta sa amin. Naisip ko tuloy, ang dami dami ng tao dito sa siyudad, naisip ko rin ano ba ang meron dito sa siyudad na wala sa mga lalawigan. Bukod sa matao, magulo, delikado at makalat ano ba ang nagugustuhan nila, natin. Ano ba ang meron sa maynila na nagiging kaayaaya para puntahan ng tao.
Edukasyon ba, sige sabihin natin sa magarang paaralan sila nagaral, sa isang esklusibong paaralan na ang bayad ay sobrang pagkamahal, bakit ang iba sa kanila pagkatapos ay walang trabaho, bakit ang iba ay sobrang arogante at bastos. bakit ang iba ay ginagamit ang nakuhang talino para manloko ng kapwa. Bakit patuloy parin ang pagbaba moral ng tao.
Naalala ko tuloy dati importante sa ating mga pinoy ang paggalang ang pagsabi ng po at opo ang pagtawag nga kuya, ate manong at manang sa mga nakakatanda kahit di kaano ano. Ngayon maririnig mo sa mga labi ng mga tao, pre, tol, brod, sis, kumag, mokong.
Pati ang mga pagmumura na dati e pag napakinggan mo eh sobrang nakakaalibadbad, ngayon kasama na sa mga ordinaryong pag uusap. Tulad ng ( pre tang ang sarap nitong sago. tang na nito di man lang tumawag at siempre pag namiss kapa eh.. Putang-ina mo pre tagal natin di nagkita ah.
At asan na ang mga boyscouts na mahilig mag paupo sa bus? meron parin namang iilan pero dapat siguro ay ilagay natin sila sa endangered species dahil paubos na ng paubos ang lahi ng mga ito.
Oo nga pala dati meron tayong mga pinoy na isang salita, palabra de honor, paninindigan.. haaaay nako. Ngayon kahit nanloloko ang tao nakakatingin pa ng diretso at naka ngisi pa. Wala na ang hiya naubos na sa karamihan. Pano ba naman yung mga naka pwesto at may kapangyarihan na may mga pinagaralan sila ang ubod ng walang _ _ _ _.
Hay naku saan nga ba papunta ang Pilipinas saan nga ba tayo dadalhin ng mga modernong kagamitan. para kasing habang nagiging moderno ay lalong pahirap ng pahirap ang buhay.
Habang umaalis tayo sa simpleng pamumuhay lalo tayong nahihirapan.
Marami rami narin kasi ang mga mamahaling kagamitan na kung iyong iisipin ay wala namang gamit. Magmula sa mga laruan ng bata hanggang sa mga laruan nga matatanda.
Dati nung bata pa ako ang paborito kong laro ay taguan, lalo na nung kadalasan ng pag babrown-out sa kamaynilaan. Naalala ko pa dahil sa sobrang enjoy namin lagi kong hinihintay ang brown-out. Siempre sino ang di nag laro ng patintero, luksong tinik, luksong kalabaw at 5-10 black 123 o moro moro o agawang base nung panahon nayon, Sino sa inyo ang umuwi na sira ang mga botones sa polo o dikaya may warak ang shortpants mo o kaya naman ay may galos na kung tawagin ay tocino dahil sa sobrang pula.
Naranasan nyo rin bang kumain ng cheesecurls na galing sa magbobote dahil imbes na pera ang ibigay sa mga tinago mong bote at dyaryo ay chichiriah nalang ( meron ding flavored balls yung colorful na balls)
Eh yung pag tinatawag ka ng tropa mo ang gagawin eh papalakpak o sisipol para lumabas ka ng bahay nyo. Di pa uso text nuon ang may cellphone lang eh yung boss ng tatay mo o yung ninong mong mayaman. Ngayon pati nagtitinda ng fishball nagttxt.
Buti nalang naabutan ko ang panahon na iyun at nagpapasalamat ako kahit papaano naranasan ko ang mabuhay sa panahong di pa masyado magastos, sa panahong di lahat ng kilos mo ay may bayad. Dati rati pwede kang makiinom ng tubig. ngayon bumili ka sa 7-11. Welll ganun talaga lahat ng bagay ay may kapalit, ang pagunlad ng iba ay magdudulot ng kahirapan sa iba ang di pagsabay sa pagbabago ay may kanya kanyang kahihinatnan.
Ang sa akin lang sana wag masyado maging mabilis ang pagbabago sa Pilipinas at wag sanang piliting gawing moderno ang lahat ng lalawigan. Para may matira pa kahit konting lugar dito sa atin na walang bahid ng modernong pamumuhay.

Subscribe to:
Posts (Atom)