Thursday, October 23, 2008

Ingat Nik


Kaibigan, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Ilang taon mo ba dapat kakilala ang tao bago mo masabing kaibigan mo siya? Gano nga ba katagal dapat makasama ang isang tao bago mo siya maituring na kaibigan? Pano mo nga ba malalaman kung yung dati mong ka tropa lang ay kaibigan mo na? at higit sa lahat pano malalaman kung kaibigan mo pa rin siya kung di na kayo nagkikita.

Nasa kanya kanya sigurong pananaw yan at opinyon. Katulad ko, siguro early 2001 ng ma meet ko si Nik, barkada siya ng dati kong kaopisina na that time is also my teamate sa basketball, Siguro mangilan ngilan beses din akong pumunta sa pad nila dahil narin sa yakag ng mga kaopisina ko. Dun na kasi ang naging tambayan nila, well bakit nga naman hindi, libre na yung place, libre pa yung inom at pulutan.

Tumigil lang ako sumama ng makita ko that my office mates are becoming more and more abusive, sobrang garapal na when they want to drink for free they would contact him. So after 4 years nakita ko ulit siya dahil sa binyag ng anak ng isang common friend namin. Tapos after a few months nagkita kami ulit sa Cavite dahil bday ng anak ng isa sa common friend namin at ilang araw lang ay nagkita kami ulit dahil naman bday ng isa sa mga opismates ko na naging kaibigan niya.
Mga year 2006 ng magusap kami regarding sa outdoor activity na di ko akalain na interested din pla siya. Habang nagkwewentuhan napagisipan namin na na mag camping sa Daraitan Rizal. Sa una naiilang pa siya dahil ang kilala lang nya dun ay ako at si Roger at di pa nya masyado makabiruan si Marie, Mar and Mitch. Naging maganda ang unang trip sa Daraitan at dito nabuo ang thetribe, kaya nagplano kami ulit ng isa pa, papunta naman ng Imelda Falls with the same group of pipol but this time bday celeb ni Mar. Siguro dito na nagsimula yung biruan at asaran within the group at dito na nagsimula na maging relax si Nik sa new friends nya.


Pagtapos nito pumunta kami sa Maculot without Mar and Marie but with Harry close friend ni Nik, okay naman ang naging lakad kaya siguro niyaya kami ni Harry sa boracay this time kami ni mitch ang sabit. Matagal tagal din bago nasundan ang lakad namin. Siguro from April ng 2006 nasundan na ito June 2006, this time ako si nik and roger lang, dito namin naranasan kumain ng chippy na may sabaw at uminom ng alak habang nauulanan sa Imelda Falls.


Bukod sa lunch out or meet ups para uminom sa gabi di na kami umalis until November, this time sa gulugod baboy sa batangas, dito ko nakitang malasing si Nik, sa sobrang kalasingan ay di na niya alam ang kanyang ginagawa at nakakahiya na siya. heheheehe. pero okay lang, tropa parin.

After gulugod pumunta kami ng Pico de Loro mga february 2007 unang climb namin for the year, tatlo ulit kami nila roger pero nakalagay sa id ni roger ay michelle, kasama ang grupo ng anino mountaineers narating namin ang pico. March na ng masundan ang lakad ng tropa, Its on a holy week kaya we tried to go somewhere like, sagada or pagudpud, but in the end we ended up sa Puerto galera pero okay parin enjoy naman, masaya na magulo.

Mga june na ng muli kaming umalis, dahil na rin sa ka busyhan sa work, pero ng mabakante kami pumunta kami this time kasama ang mga kaoipisina ni nik and harry sa dolores quezon, hometown ng asawa ni nik ok naman masarap yung food maganda yung place, pero bitin kasi 2 days lang. After this lumalakad na sila ng wala ako. natuto na siyang magsolo at magyabang, hehehe. Nasundan ang lakad namin sa Bulacan, Mt. Manalmon this time sumunod lang kami ni Mitch and Mar dahil may pasok pa sa iskul si Mitch, tingnan mo nga naman iniiwan iwan nalang kami. After ilang months pumunta kami sa Majayjay this time ako na talaga ang sabit, without roger mitch marie and mar... feeling ko talaga sabit ako... Ilang beses din silang umalis ng di kami kasama dahil di na niya kami kailangan at siempre dahil di kami pwede.

Unang buwan ng taon ng 2008 pumunta kami sa Mt. Manabu kumpleto sana kami kaso wala si Mar and Roger, pero okay lang kahit naiwan ko ang tungkod ko dun at di kami tinigilan ng ulan, masaya parin. Nasundan ang lakad namin this time ng pumunta kami ng Cagayan De Oro at Camiguin a week after the holy week, ang kulang lang si roger. Tapos nakumpleto ulit kami after ilang trip ng magpunta kami sa Calayo cove.

After that busy busyhan ulit, and nung paalis na siya papuntang New Zealand. sinama niya kami sa Cagbalete island para sa kanyang despidida outing ng tropa (team building) kumpleto sana kami kaso di pinayagan si roger ng kanyang wife.

Naging maikisi man ang pagsasama namin sigurado ako naging masaya at makulay ito, di man ako sigurado kung masusundan pa ang alis ng tropa ng kasama si nik, isasama nalang namin siya sa kwentuhan para di siya makalimutan. Ingat sa iyo kaibigan



















Thursday, June 12, 2008

Construction Ahead

Last weekend after the celebration of my sister's debut, Mitch together with katribu Marie, Mar, Roger and some friends travel to Majayjay laguna to relax and to take a dip to the cool waters of Taytay Falls.
We arrived at Taytay around 5 pm, after registering without actually logging in the logbook (for some unknown reason the logbook is not around). We proceeded to the stairs that's lead to the narrow path going to the falls. We were amazed about the big improvement on the walkway, it is now wider and the support bars are more sturdy, it also has this shed that can be used as a waiting area for a sudden rain. But the thing that shocked me the most are this.....
They are constructing cottages. ....... WHATS NEXT. ....... the question is... WOULD IT BE BENEFICIALL to this place?

Tuesday, May 27, 2008

"My phones" through the years

It seems mobile phone now has really become part of everyones lives. From the simple mobile that can be used for texting, it has evolved to a more advance gadget.

8 years ago the only cool feature of a mobile phone are the games now it has become a video camera, mp3 player, gps device, a television, a radio, video phone and a portable pc. What can i say people especially pinoy's are such a fool for this gadgets that most of us keeps upgrading whenever there is a new phone with its own unique feature in the market.

As for me here's the phone I got the chance to used and own.........




My first phone the NOKIA 3210
March 2000
with the help of my mother i was able to buy this phone
then around july of 2000 I lost it on the way to work
at a taxi cab






My second phone
the NOKIA 6210
February 2001
a friend sold this to me for a very cheap price
sold it to someone to buy the NOKIA 5510 (2003)







NOKIA 3310
my Tita sell this to me for a very cheap price (2001)
I did'nt really need it that time but what the heck
got the money to spare that time.
Gave it to my sister, i guess she lost it





NOKIA 6150
a friend ask me if If i want it for a thousand bucks
bought it (2001) gave it to my eldest brother
they lost it at their store few weeks later






my fifth phone NOKIA 5510
bought it at Harrison Plaza (2003)
lend it to my sister, she lost it/ pickpocket




My sixth phone
NOKIA 8250
on the way to work while crossing the street (2003)
(Buendia / Ayala Ave)
I saw this laying on the street with broken batteries and all.
Had it fix for 5 thou then gave it to my mother, I guess they sold or swap this for a new phone






NOKIA 3650
Borrowed money from a friend.
bought this at university belt in recto 2004
gave it to my sister, she broke it, i got fixed then she lost it
while watching a NCAA basketball game




Bought this with Mitch at Harrison Plaza (2004) Nokia 3300
one of my favorite because of the MP3 player
lost this on my way to Baclaran 2006






Sony Ericsson 2700i (2005)
Bought this thru Buy and sell (second hand)
lost it during a trip to Quiapo 2007








my phone right now
the sony ericsson w850i
Mitch's gift to me
bought it at Rob place Manila
(2007)

Tuesday, May 06, 2008

Fiesta sa Lipa with theTribe

Summer is the time for vacation, basketball leagues, beach outing and fiesta here in the Philippines. From Luzon to Mindanao locals celebrate this for different reason and for different patron saints. It’s been a part of our culture and tradition for a very long time and still practiced in most of our provinces.

But there is one particular place and fiesta that became a part of me and had been a part of me for eight straight years now. It’s the Feast of Sta. Cruz in Brgy Kayumanggi at Lipa, Batangas, during the third day of May. For eight years now I see to it that on the 3rd day of May, I’ll be with Boss Vic (supremo) executing our drinking session till our body can’t take it anymore. Together with Roger (thetribe) who is in his 6 straight years now, we would find ways to go there no matter what, from filing sick/vacation leaves, haft day and official/personal matters, we would see to it that we’ll be there.

But this year we had different company, we travel with our fellow tribe member Marie and my Gf Mitch, It seems that for every year we have different companions going there and sadly those who are originally share the same passion of going there are not anymore available. The group may change it members but the routine is pretty much the same, after filling up our stomachs with different dishes we head on to filling it up with liquor, from gin to brandy, to rhum or beer, while singing with a videoke machine.

Back then we used to go to a small river and we take a dip. But as the time passes by, we can only manage to spend a single day there, and it makes our activity there, reduce to drinking. Then after the drinking session is over, we would then be asked to eat a meal before we leave. SWEEEEEEET

See you next year.

Monday, May 05, 2008

Iron Man



Pagkatapos pumunta sa tanay nuong miyerkules at huwebes, nagpahinga ng saglit bago dumiretso sa quiapo sa araw ng biyernes at manginain sa piyesta sa lipa batangas nuong sabado, tinapos namin nang aking gf ang linggo sa pamamagitan ng panunuod ng sine. Madali naman akong nakumbinsi ng mahal kong gf na manuod ng sine dahil Iron man naman ang panunuorin. LFS na ang naabutan naming palabas sa Rob Place Manila, kaya kami ay dali daling bumili muna ng makakain sa loob ng sinehan. Dumaan kami sa Lots o Pizza at sa Dimsum and Dumplings para magbaon ng siomai at pizza di pa ba obvious. Simula palang ng palabas ay nag enjoy na ako, Matagal tagal ko din naman kasi naming inintay ito at siempre bilang isang masugid na taga suporta ng pelikulang gawa ng Marvel, di namin ito palalampasin. Ayos ang effects ng pelikula okay din ang plot nito. Sangayon din ako sa pagiging sensitibo ng Gumawa ng pelikula dahil maganda nilang nailatha ang pinagsimulan ni Iron Man. Naalala ko tuloy na dati ay sa Vietnam ang naging setting dahil ito ang kalaban ng amerika nuong araw, pero nararapat lang na sa Afghanistan nila ito nilagay dahil naayon at napapanahon lamang dipo ba. Maganda rin ang pagiging sangkot ni OB Stane sa plot sa pagpatay kay tony. Dahil sa simula palang ng pelikula ramdam mo na magiging kalaban yun, lalo na pag pamilyar ka sa komiks. Bumagay din kay Robert Downey Jr. ang papel na tony stark, napalabas niyang cool ito at class. Maganda rin ang pagkakapareho ng armor ni iron man at hindi ito nagmukhang cartoons, di tulad ng Hulk halatang halata na computer generated si hulk, sana mabago ito sa ipapalabas na incredible hulk. Maayos ang effects okay din ang cameo ng director nito at si stan lee. Sa madaling salita ako ay maghihintay ng susunod na Iron Man. Wish kolang sana I plot nila ito sa Armor wars at siempre andun dapat si War Machine.
Mga katanungan kolang ay..
pano siya umiihi eh parang wala namang zipper ang armor?
diba si gonzalgo ang iron man ng pba?
pag si kasamang nic ba ang nasa armor ang tawag ay iron nic?

Tuesday, April 22, 2008

the CDO-CAMIGUIN xperience Day 3

Maagang gumising ang buong tropa, marahil sabik silang makarating sa puting isla mga ilang daang metro rin ang layo mula sa Paras. Naunang umalis ang grupo namin na kinabibilangan ni, Marie, Dave, Don, Mitch, Marimar, Cha at Janice. Pag dating palang sa pampang ay nabighani na kami sa ganda ng isla, kulay polburon ito pero malayo ang laso, alam ko ito dahil itoy aking tinikman. Medyo kokonti palang ang tao rito, mangilan ngilan palang kaya sinuwerte kaming makakuha ng magandang pwesto. Habang hinihintay naming an gaming ibang kasama ay nagpatimpla ng kape ang senior citizen ng grupo, (itago nalang natin sa pangalang marikotse). Ng matanaw naming an gaming mga kasama kitang kita sa kanila ang pagkabighani at mababanaag mo sa kanilang mga bibig ang pag sigaw ng piktyur piktyur. Aha gusto lang nila ng Kodak moments, agad ko naman itong binigay sa kanila.

Maya maya pa ay namataan namin si Mar at Cha na mega pictorial sa kahabaan ng buhangin, habang naglalakad ay patuloy sa pag porma para mag pakuha ng larawan sa isa’t isa. Aninag sa kanilang mata ang pagkabighani at saya sa lugar, o sadyang mega ngiti lang sila sa bawat takatak ng kamera. Kami man ay dinapuan ng inggit at siyempre naman gusto rin naming ng ebidensya na nakarating din kami dito, kaya Kodak moments muna kami. Mapakandid, mapakaserious lahat ay aming sinubukan sa harap ng kamera. Ilan beses din bang tumalon talon ang grupo para mag pakuha sa ere na ang iba nga ay sumakit na ang paa katatalon, pero patuloy prin alang alang sa kamera.

Habang tumatagal ay lalong umiinit dahil sa patuloy na pag taas ng dakilang araw, napapansin kong itoy sumasakit na sa balat kaya akoy nagpasyang tumambay na sa mga higantent (higanteng tent). Dito kami ay namili ng mga pasalubong at umorder narin ng makakain para sa aming almusal. Maya maya pa ay dumating ang iba naming kasamahan para mag paalam na mauna na sila sa Paras at duon kumain.

Pagdating naming sa Paras kami ay agad nagbabad sa pool na sa amin ay pinagkait ng madamot na gwardiya kagabi. Maya maya pa ay nasakop na ng buong grupo ang pool at duon kami ay naghabulan, Nag enjoy naman kami at napagod pero naging masaya ito, halos lahat kasi ay sumali dito kaya naging mas epektibo ang laro. Nang matapos ang laro ay kinailangan naming magbihis kaagad para mag handa sa aming pamamasyal sa ibat ibang lugar sa Camiguin.

Una naming pinuntahan ay ang Katibawasan Falls. Maganda ng talon na ito, pinaaalala nito sa akin ang buruwisan falls ng Famy laguna, Dito kami ay nag kodakan at ng magsawa na ay naligo sa tubig nito, masarap ang tubig malamig siya at maaliwalas sa balat, tumagal din kami ng ilang minuto dito, ayaw man naming umalis ay kailangan na dahil marami pang lugar na pupuntahan, di ko makakalimutan ang lugar na ito dahil dito nasira ang kamera namin ni Mitch. Habang papasakay na kami naiwan ang ilan sa amin at napahinto, sa pangunguna ni Tina isa isa nilang pinuntahan ang mga
souvenir shop at ininspeksiyun ang mga tinitinda nito.

Nagpunta kami sa Luna Pizza house para duon kumain ng aming tanghalian, sa una ay di namin napapansin ang bagal ng serbisyo at tagal sa pagdating ng aming mga inorder, pero kalaunan ay napuno ng yamot ang mga sarili dahil narin sa gutom, kaya naman pala, yung cook may-ari, cashier, waiter ng nasabing kainan ay iisa lang, naiintindihan naman namin pero di ito kayang tiisin ng nagwawala naming mga tiyan. Isaisang dumating an gaming pagkain at isaisa naming itong nilantakan, di pa nakukuntento an gaming order ay ubos na ang mga naunang order. Hindi naman kami masiba sadyang gutom lang.

Pagkatapos kumain ay sumakay kami ulit ng dyip na aming nirentahan para pumunta sa mga natitirang lugar na aming dapat puntahan, dito narin nag simula ang pagmamahalang namagitan kay Cyril at Mar, pagmamahalang maihahambing sa asot pusa na siyempre may umuwing duguan. Pangalawa naming napuntahan ay ang Walkway papunta sa tuktok ng Vulkan pero mas ninais ng aking mga kasama sa pangunguna ni Tina na tumambay nalang sa Souvenir shop sa paanan nito kesa umakyat ng pag kalayo layo.

Pagtapos ditto ay pumunta kami sa Ruins ng isang lumang simbahan na sinira ng pagputok ng bulkan, mapapansin mo pa ang mga adobeng kinapitan na ng ibat ibang uri ng halaman na nuon ay nagsilbing haligi sa isang malaking simbahan. Siempre sagrado ang lugar na ito para sa amin kaya matapos magdasal ng iba naming kasama ay wala ulit tigil sa kodakan ang grupo. Pagkatapos dito ay nagtungo kami sa Soda Swimming pool, di kami na impress at di namin matatawag na magaling magaling magaling ang lugar na ito kaya di na kami pumasok sa loob, isa pa saying ang entrance fee, kaya nagkasya nalamang kaming magkuhaan ng larawan sa labas ng lugar na ito, wala rin naming makakaalam na di kami pumasok sa loob dipo ba.

Mga alas kwatro na ng makarating kami sa tanawan ng Tres Marias, ito ay tawag sa tatlong burol sa bundok na magkakatabi. Dir in kami nagtagal sa lugar na ito sa kadahilanang maraming rumaragasang sasakyan buti nalang at walang nakasulat na “walang tawiran nakamamatay”. Mayamaya pa ay nakarating kami sa Sto NiƱo Cold Spring Resort, matagal tagal din kaming nagmasid mula sa labas nito at ang iba sa pamumuno ulit ni Tina ay ginalugod ang mga souvenir shops. Nagpasya akong pumasok para tingnan ang lugar, ng makita kong ito ay kaaya-aya agad akong lumabas at niyaya ang aming ibang kasamahan na pumasok. Pag pasok palang ay agad naligo ang iba sa amin at siempre ako ang nanguna dahil masyado akong natatakam sa paliguan na ito, pero di sila nag sisinungaling ng sabihin nilang cold spring ito dahil, nuknukan ito ng lamig, tumagal kami ng mga ilang minuto ditto, bawat galalw kasi naming ay de numero dahil ayaw naming mahuli sa susunod naming tatahakin.

Pagkatapos ng ilang minuto bumiyahe na kami pabalik sa Sunken Cemetery, pag kakaita palang naming sa lugar, agad kami ay nabighani sa ganda nito, ito ay dating sementeryo na lumubog dahil narin sa pagputok ng bulkan. Kami ay bumaba para sumakay sa bangka papunta mismo sa malaking kross na nakatirik dito. Nauna ang ibang grupo at sumunod nalamang kami. Dito ay nagkodakan kami hanggang sa pag lubog ng araw,

Gabi na ng makarating kami sa Vjandep, naging matagal ang paghain ng pagkain namin, pero lahat ito ay nasulit dahil sa lasa at sarap ng mga pagkain na inihain sa amin. Napawi lahat ng gutom naming at kami ay umuwing busog, Pagkatapos kumain ay umuwi na kami sa Paras, saglit lang kaming nagayos at mayamaya pa ay nagkitakita kami sa pool para muli ay mag relax at maligo, saying naman huling gabi nanamin ito dito kailangan na naming sulitin. Maya maya pa ay namataan na naming ang gwardiya na aaligid aligid parabagang nais na kami ay paalisin, maangas ang gwardiya kala mo siya ang may ari nito, para bang siya ang nagsasalok ng tubig ng pool kaya ayaw niya itong paliguan. Pero dinedma naming siya ni hindi naming siya tiningnan, paano ba namn niya kami tatawagin kung di niya alam an gaming mga pangalan, sa wakes naisahan naming siya, napabagsak naming ang mangsusupil na gwardiya, dahil binigyan kami ng management ng konting oras pa para maligo. Pagkatapos ko maligo ay naglaro kami ng ping pong ng aking mahal na si Mitch at pagkatapos magsawa ay tumigil na ako at dumiretso sa aking tulugan para matulog. Iniwan ko na sila. Nagkaroon din pala ng viewing ng larawan mula sa Kagay at ito ay kinadismaya ng iba. Pero ako bukas kona proproblemahin yan. Matutulog na ako.


Abangan ang pagtatapos

Para sa larawan pumunta lamang sa
http://www.thetribe.multiply.com/

Monday, April 21, 2008

the CDO-CAMIGUIN xperience Day 2


Maaga kaming nagising sa pangalawang araw ng aming magarbong bakasyon sa CDO, marahil dahil ay kailangan naming umalis ng maaga para makadaan pa kami ng Bukidnon bago tumuloy sa patalan ng Misamis papuntang Camiguin. Sinimulan namin ng aking mahal na dyowa ang umaga sa pagkain sa McDo, pagkatapos kumain bumalik kami sa aming silid para sa huling pag aayos.

Maya maya pa ay dumating na ang dyip na maghahatid sa amin. habang naghihintay sa aming ibang kasama, dumaan muna kami ni Mitch sa tindahan para makabili ng malupit na rin-bee para naman may manguya sa biyahe, matagal-tagal din naman naming hinintay ang trends pipol na kumakain ng almusal. Pagdating nila ay agad sumakay at duon nagsimula ang pinaka nakaka boring na biyahe namin papuntang Camiguin.
Sa daan palang papuntang bukidnon ay unti unting mapapansin ang inip at pagod sa isa't isa, marami ang di nag uusap ang iba naman ay sadyang natutulog nalang. Pagdating namin sa Del Monte farm kami ay nagkodakan sa ilalim ng kasikatan ni apong Araw na ubod ng sakit sa balat. Pagkatapos ay kumain kami ng Roast Beef sa Country Club ng Del Monte, na naging sanhi ng pag kasira ng ngipin ni kasamang Dave. Ang masasabi ko lang ay di ako nag enjoy sa kinain ko, medyo kulang sa lasa at linamnam ang pagkain dito, kunsabagay ngayon lang ako nakakain ng ganitong uri ng pagkain kaya di ko alam ang tunay na lasa nito.

Pagkatapos kumain agad kaming dumiretso papuntang patalan, sinuong namin ang maalikabok na daan, Ilang oras pa ay nagtanong kami sa piloto ng dyip kung malapit naba. (Ito lang ang aking natutunan sa aking pag byabyahe: Una ang malapit sa iba ay malayo sa iyo, ang malayo sa iba ay sobrang layo sa iyo, ang 20 minutes nalang ay 1 oras pa.) Nakailang ulit narin nakasabi si manong na 20 minutes nalang pero tsika lang pala iyon.



Pagdating namin sa patalan, kami ay agad umakyat sa bapor, para narin makakuha ng magandang pwesto at siyempre excited narin kami. Naging makulay ang aming biyahe sa bapor, dito sinimulan nanaman ng aking mga kasama ang magkodakan na ultimo ay mga model ng super ferry kung makapag pose. Tumagal din ng kwarenta minutos ang biyahe namin kaya matagal tagal din na kodakan ang nangyari.



Sa pag daong ng bapor sa patalan ng Camiguin kami ay sinalubong ng mga taga Paras, ngunit ano ito, may kaunting kaguluhan, iba ang pangalan ng sinusundo nila, at hindi pa dyan natatapos ang mga pangyayari, dahil hindi kami kasya sa isang van, masikip ito sa 17 tao kaya napilitan kaming maghiwahiwalay. Sabagay di naman talaga kami kasya sa iisang van. Nang magkaayos ay dumiretso na kami sa aming tutuluyan, dito ay binati kami sa pamamagitan ng pagsabit sa amin ng keychain at pagpapainom ng panghimagas.
Nang maayos na ang lahat kami ay dumiretso sa aming kwarto, malapit narin magtakip silim kaya siyempre ito ay oportunidad para sa kodakan, dito inubos namin ang aming oras na magkodakan hanggang tuluyang maglaho ang araw at kainin ng kadiliman ang buong lugar.


Napagpasyahan ng grupo na dumiretso sa Ardent Hot Spring Resort at duon narin kumain ng hapunan, habang ang iba ay naliligo abala naman ang iba sa pagpili ng makakain ng grupo, at si sir Sam naman ay magiting na binabantayan ang aming kagamitan. Maya maya pa ay umahon na ako kasama si Mitch para palitan sa pagbabantay si Sir Sam, Ilang saglit pa ay andito na ang buong tropa, at makikita sa kanikanilang mata ang gutom, dala narin siguro ng pagod buhat sa mahabang biyahe. Pag dating ng pagkain kami ay nanahimik at agresibong nilantakan ang mga pagkain, na kinatuwa ng lahat. Pagkatapos kumain sa pamumuno ni Tina sila ay pumunta sa mga souvenir at kami naman ay muling naligo, sayang naman diba minsan lang ito.


Pagkatapos maligo naiisipan ng iba na mauna na at sa Paras nalang magkitakita, ito ay tinutulan ng iba dahilnaisip namin na mas maganda kung sabay sabay na umuwi at matikman ang pool sa Paras. Sa biyahe palang ay masaya na kami dahil busog na, gumagana nanaman ang aming emahinasyon at aming napagtripan pagkwentuhan ang aswang na ikinatuwa ni Janice, Hmp. , ,

Pagdating sa Paras ay mag aalas diyes na agad akong lumubog sa pool na hindi ikinatuwa ng gwardiya sibil ng nasabing resort, ayaw niya na ako paliguin kaya ako ay pinaahon niya. Hindi ako papatalo kaya di ako umuwi at hinintay nalang ang kanyang pagaalis, mayamaya pa ay dum ating si kasamang Cyril. Di paman niya nailulubog sa tubig ang kanyang katawan ay andyan na naman ang gwadriya sibil na may dala dalang shot gun at makikita sa kanyang mga mata ang tingin sa amin ay kaaway. May baril siya kaya nakuntento nalang kaming maligo sa shower sa tabi ng pool, mahirap na baka biruin kami ng tadhana at padaplisan ng bala.


Pagkatapos mag ayos at magbihis ng aming mga kasama, nagpatawag ng grand eyeball ang aming kasamahan para mapag usapan ang lakad kinabukasan, dito na lumabas si kero kero pi na kinatakot ng iba, agad din naman itong umalis at naituloy ang kwentuhan at miting de abanse, ako ay tinatamad na kaya ako ay nagpaalam, di rin naman ako pwedeng uminom kaya matutulog nalang ako.


at dito nagtatapos ang aming pangalawang araw.....

abangan ang day 3 .......

para sa mga larawan pumunta lamang sa

the CDO-CAMIGUIN xperience Day 1

Masaya ang naging aming post holy week vacation, maaring natagalan ang aking pag post nito subalit sa aking isip ay nanatiling sariwa ang lahat.



Matagal tagal din namang pinalano ang bakasyong grandeng ito na nakuha sa suhestiyon ni Marimar, marami ang natuwa at wala namang umangal, merong mangilan-ngilan na natulala sa gagastusin pero bahagyang nabuhayan ng loob ng maisip na minsan lang itong gagawin.


Nobyembre palamang ay pinaplano na ang pag alis na ito, gamit ang kani-kanilang computer sa opisina, lahat ay nagsaliksik tungkol sa lugar na ito, nag-ukol ang lahat ng panahon pero ilan lamang ang talagang kumilos para sa lakad na ito. kaya sila ay tawagin nating magaling, magaling magaling.




Pagkalipas ng ilang buwan ay eto na't na kita namin ang aming mga sarili sa paliparang lokal ng pilipinas para sumakay ng eroplanong kay aga-aga. Matagal tagal din naming hinintay ang pagpapasakay ng Cebu Pacific papuntang CDO, buti nalang at may dala dala kaming playstation portable, at habang naghihintay panay naman ang aming gulpihan sa larong tekken na kitang kita sa mukha ni Cyril ang pagkabighani at lagi siyang talo at di rin maitatago ang pagkaingit ni Nik dahil bukod tanging siya lang sa lalaki ang walang PSP, maya maya pa ay pinasakay na kami. Pero may napansin ako hindi halatang excited ang kasama naming si Gay, naka pang ligo na siya kahit malayo pa.


Sa eroplano palamang ay wala ng tigil sa kodakan ang tropa, ultimo loob ng eroplano ay ginagawang subject, kahit mga pasaherong puyat na di namin kilala ay kinukunan din, walang makakaligtas sa amin, pati sa labas ng bintana na nasasakop ng kadiliman ay di namin pinatawad. Bahagya kaming naidlip at nagutom dahil kahit boy bawang walang binibigay ang Cebu Pacific.


Pag kadating namin sa CDO umarkila kami ng isang malupit na dyipni at pilit pinagkasya ang aming mga sarili sa pituhang dyipni. Sa Dyip palamang ay mababatid mona ang saya ng tropa, kahit mukhang puyat at di nag-sipagligo makikita ang mga ngiti sa kanilang mga maata na pilit pinagdidikit ng muta sa magkabilang talukap.


Pagkatapos mag tsek-in sa Hotel na muntikang di makita ay dumiretso ang lahat sa Chowking para dun hintayin ang mga bataan ni Dodoy ng Kagay habang nilalagyan ng laman ang aming mga tiyan na kanina pa nag aaklas sa gutom.


Pagdating namin sa jump-off point ng CDO White Water Rafting, nangati ulit ang mga daliri namin kaya di naman napigilan ang mag kodakan at dito ko naisip na ang hirap maging photographer dahil konti lang piktyur mo pag katapos.


Naging masaya ang aming naging karanasan dito, kahit muntik na akong mahulog at nahirapan makatayo dahil ayaw ako bitawan ni Marimar na halos durugin ang braso ko sa pagkakahawak.

At kahit konti lang ang larawan at video namin mula sa Kagay ay okay narin, importante lang naman ay meron kahit isang larawan na magpapatunay na nakarating na kami sa lugar na ito at ginawa namin ang mga bagay na ito diba?



Pagkatapos ay kumain kaming ng aming tanghalian sa di ko matandaang lugar pero tandang tanda ko ang mga inulam namin, dahil nakarami din ako ng kain. bahagyang natigilan ang aming mga subo dahil nawala sa paningin namin ang pamilya Alamani bigla silang naglaho, ang iba ay nataranta sa paghahanap at ang iba ay nataranta sa pagkain ng pinya na ubod ng tamis. Ng makita namin sila agad naming pinakain, buti nalang at napigilan namin ang aming sarili, dahil kung hindi malamang ay nagutom ang pamilya ni sir Sam.

Pagkatapos kumain at dumighay, ang iba ay sumimple sa pagutot para matangal ang hangin na naisama sa aming pagngasab at paglunok, kami ay nag tungo sa Macahambus Adventure Park, dito ay naglakad kami sa tulay na nakalutang sa ere(canopy walk), na may taas na 150 talampakan at kung sakaling mahuhulog ang tsinelas mo ay uuwi ka ng nakayapak. Pero amin itong ginawa at di pa pala ito ang pinaka atraksyon ng lugar na ito, meron din silang tarzan tarzanan (ziplining) na talaga namang napakasarap. Buti nalang at walang naihi meron lamang napatili ng putolputol tulad ng ginawa ni ate Gay at meron ding tumili na lalake tulad ni Harry. Pagkatapos ay tumuloy kami sa Kweba ng Macahambus at dun naglibot libot ang iba naming kasamahan ata naiwan ang tamad sa labas para maisalarawan ang mga pangyayari sa labas sa tulong ng magkapatid na Don at Dave ni sir Sam, Mar at ni Mitch nailagay namin sa larawan ang magandang karanasan na ito.


Pagod kami ng umuwi sa aming mga kwarto, pagkatapos maligo ay nagkita kita kami para kumain sa Divisoria ng hapunan, masarap ang pagkain at mura pa kaya nasabi namin ang mga katagang, Magaling Magaling Magaling. Pagkatapos kumain, ang iba sa amin ay natulog na at ang iba naman ay nanatili sa labas para sulitin ang gabi.

Itutuloy . . . . . . . . . . . . .
para sa larawan pumunta lamang sa