Kaibigan, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Ilang taon mo ba dapat kakilala ang tao bago mo masabing kaibigan mo siya? Gano nga ba katagal dapat makasama ang isang tao bago mo siya maituring na kaibigan? Pano mo nga ba malalaman kung yung dati mong ka tropa lang ay kaibigan mo na? at higit sa lahat pano malalaman kung kaibigan mo pa rin siya kung di na kayo nagkikita.
Nasa kanya kanya sigurong pananaw yan at opinyon. Katulad ko, siguro early 2001 ng ma meet ko si Nik, barkada siya ng dati kong kaopisina na that time is also my teamate sa basketball, Siguro mangilan ngilan beses din akong pumunta sa pad nila dahil narin sa yakag ng mga kaopisina ko. Dun na kasi ang naging tambayan nila, well bakit nga naman hindi, libre na yung place, libre pa yung inom at pulutan.
Tumigil lang ako sumama ng makita ko that my office mates are becoming more and more abusive, sobrang garapal na when they want to drink for free they would contact him. So after 4 years nakita ko ulit siya dahil sa binyag ng anak ng isang common friend namin. Tapos after a few months nagkita kami ulit sa Cavite dahil bday ng anak ng isa sa common friend namin at ilang araw lang ay nagkita kami ulit dahil naman bday ng isa sa mga opismates ko na naging kaibigan niya.



Pagtapos nito pumunta kami sa Maculot without Mar and Marie but with Harry close friend ni Nik, okay naman ang naging lakad kaya siguro niyaya kami ni Harry sa boracay this time kami ni mitch ang sabit. Matagal tagal din bago nasundan ang lakad namin. Siguro from April ng 2006 nasundan na ito June 2006, this time ako si nik and roger lang, dito namin naranasan kumain ng chippy na may sabaw at uminom ng alak habang nauulanan sa Imelda Falls.
Bukod sa lunch out or meet ups para uminom sa gabi di na kami umalis until November, this time sa gulugod baboy sa batangas, dito ko nakitang malasing si Nik, sa sobrang kalasingan ay di na niya alam ang kanyang ginagawa at nakakahiya na siya. heheheehe. pero okay lang, tropa parin.

Mga june na ng muli kaming umalis, dahil na rin sa ka busyhan sa work, pero ng mabakante kami pumunta kami this time kasama ang mga kaoipisina ni nik and harry sa dolores quezon, hometown ng asawa ni nik ok naman masarap yung food maganda yung place, pero bitin kasi 2 days lang. After this lumalakad

Naging maikisi man ang pagsasama namin sigurado ako naging masaya at makulay ito, di man ako sigurado kung masusundan pa ang alis ng tropa ng kasama si nik, isasama nalang namin siya sa kwentuhan para di siya makalimutan. Ingat sa iyo kaibigan


1 comment:
Yoyo, pahingi nga nung photo na nasa ibabaw tayo nung boat sa Cagbalete. Astig yun ah.
Napapaiyak na sana ako sa post na ito, kaya lang tumaas bigla ang kilay ko. Ikaw kaya yung alis ng alis at hindi na nagtatawag! Hmp!
Anyway, may mga gamit akong hinabilin sa yo na andun kay Harry. Pakitago na lang pare. Kukunin ko yun either kung pagbalik namin o ipapadala ko. Salamat sa lahat ha!
Post a Comment