Pagkatapos pumunta sa tanay nuong miyerkules at huwebes, nagpahinga ng saglit bago dumiretso sa quiapo sa araw ng biyernes at manginain sa piyesta sa lipa batangas nuong sabado, tinapos namin nang aking gf ang linggo sa pamamagitan ng panunuod ng sine. Madali naman akong nakumbinsi ng mahal kong gf na manuod ng sine dahil Iron man naman ang panunuorin. LFS na ang naabutan naming palabas sa Rob Place Manila, kaya kami ay dali daling bumili muna ng makakain sa loob ng sinehan. Dumaan kami sa Lots o Pizza at sa Dimsum and Dumplings para magbaon ng siomai at pizza di pa ba obvious. Simula palang ng palabas ay nag enjoy na ako, Matagal tagal ko din naman kasi naming inintay ito at siempre bilang isang masugid na taga suporta ng pelikulang gawa ng Marvel, di namin ito palalampasin. Ayos ang effects ng pelikula okay din ang plot nito. Sangayon din ako sa pagiging sensitibo ng Gumawa ng pelikula dahil maganda nilang nailatha ang pinagsimulan ni Iron Man. Naalala ko tuloy na dati ay sa Vietnam ang naging setting dahil ito ang kalaban ng amerika nuong araw, pero nararapat lang na sa Afghanistan nila ito nilagay dahil naayon at napapanahon lamang dipo ba. Maganda rin ang pagiging sangkot ni OB Stane sa plot sa pagpatay kay tony. Dahil sa simula palang ng pelikula ramdam mo na magiging kalaban yun, lalo na pag pamilyar ka sa komiks. Bumagay din kay Robert Downey Jr. ang papel na tony stark, napalabas niyang cool ito at class. Maganda rin ang pagkakapareho ng armor ni iron man at hindi ito nagmukhang cartoons, di tulad ng Hulk halatang halata na computer generated si hulk, sana mabago ito sa ipapalabas na incredible hulk. Maayos ang effects okay din ang cameo ng director nito at si stan lee. Sa madaling salita ako ay maghihintay ng susunod na Iron Man. Wish kolang sana I plot nila ito sa Armor wars at siempre andun dapat si War Machine.
Mga katanungan kolang ay..
pano siya umiihi eh parang wala namang zipper ang armor?
diba si gonzalgo ang iron man ng pba?
pag si kasamang nic ba ang nasa armor ang tawag ay iron nic?
No comments:
Post a Comment