Thursday, October 23, 2008

Ingat Nik


Kaibigan, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito? Ilang taon mo ba dapat kakilala ang tao bago mo masabing kaibigan mo siya? Gano nga ba katagal dapat makasama ang isang tao bago mo siya maituring na kaibigan? Pano mo nga ba malalaman kung yung dati mong ka tropa lang ay kaibigan mo na? at higit sa lahat pano malalaman kung kaibigan mo pa rin siya kung di na kayo nagkikita.

Nasa kanya kanya sigurong pananaw yan at opinyon. Katulad ko, siguro early 2001 ng ma meet ko si Nik, barkada siya ng dati kong kaopisina na that time is also my teamate sa basketball, Siguro mangilan ngilan beses din akong pumunta sa pad nila dahil narin sa yakag ng mga kaopisina ko. Dun na kasi ang naging tambayan nila, well bakit nga naman hindi, libre na yung place, libre pa yung inom at pulutan.

Tumigil lang ako sumama ng makita ko that my office mates are becoming more and more abusive, sobrang garapal na when they want to drink for free they would contact him. So after 4 years nakita ko ulit siya dahil sa binyag ng anak ng isang common friend namin. Tapos after a few months nagkita kami ulit sa Cavite dahil bday ng anak ng isa sa common friend namin at ilang araw lang ay nagkita kami ulit dahil naman bday ng isa sa mga opismates ko na naging kaibigan niya.
Mga year 2006 ng magusap kami regarding sa outdoor activity na di ko akalain na interested din pla siya. Habang nagkwewentuhan napagisipan namin na na mag camping sa Daraitan Rizal. Sa una naiilang pa siya dahil ang kilala lang nya dun ay ako at si Roger at di pa nya masyado makabiruan si Marie, Mar and Mitch. Naging maganda ang unang trip sa Daraitan at dito nabuo ang thetribe, kaya nagplano kami ulit ng isa pa, papunta naman ng Imelda Falls with the same group of pipol but this time bday celeb ni Mar. Siguro dito na nagsimula yung biruan at asaran within the group at dito na nagsimula na maging relax si Nik sa new friends nya.


Pagtapos nito pumunta kami sa Maculot without Mar and Marie but with Harry close friend ni Nik, okay naman ang naging lakad kaya siguro niyaya kami ni Harry sa boracay this time kami ni mitch ang sabit. Matagal tagal din bago nasundan ang lakad namin. Siguro from April ng 2006 nasundan na ito June 2006, this time ako si nik and roger lang, dito namin naranasan kumain ng chippy na may sabaw at uminom ng alak habang nauulanan sa Imelda Falls.


Bukod sa lunch out or meet ups para uminom sa gabi di na kami umalis until November, this time sa gulugod baboy sa batangas, dito ko nakitang malasing si Nik, sa sobrang kalasingan ay di na niya alam ang kanyang ginagawa at nakakahiya na siya. heheheehe. pero okay lang, tropa parin.

After gulugod pumunta kami ng Pico de Loro mga february 2007 unang climb namin for the year, tatlo ulit kami nila roger pero nakalagay sa id ni roger ay michelle, kasama ang grupo ng anino mountaineers narating namin ang pico. March na ng masundan ang lakad ng tropa, Its on a holy week kaya we tried to go somewhere like, sagada or pagudpud, but in the end we ended up sa Puerto galera pero okay parin enjoy naman, masaya na magulo.

Mga june na ng muli kaming umalis, dahil na rin sa ka busyhan sa work, pero ng mabakante kami pumunta kami this time kasama ang mga kaoipisina ni nik and harry sa dolores quezon, hometown ng asawa ni nik ok naman masarap yung food maganda yung place, pero bitin kasi 2 days lang. After this lumalakad na sila ng wala ako. natuto na siyang magsolo at magyabang, hehehe. Nasundan ang lakad namin sa Bulacan, Mt. Manalmon this time sumunod lang kami ni Mitch and Mar dahil may pasok pa sa iskul si Mitch, tingnan mo nga naman iniiwan iwan nalang kami. After ilang months pumunta kami sa Majayjay this time ako na talaga ang sabit, without roger mitch marie and mar... feeling ko talaga sabit ako... Ilang beses din silang umalis ng di kami kasama dahil di na niya kami kailangan at siempre dahil di kami pwede.

Unang buwan ng taon ng 2008 pumunta kami sa Mt. Manabu kumpleto sana kami kaso wala si Mar and Roger, pero okay lang kahit naiwan ko ang tungkod ko dun at di kami tinigilan ng ulan, masaya parin. Nasundan ang lakad namin this time ng pumunta kami ng Cagayan De Oro at Camiguin a week after the holy week, ang kulang lang si roger. Tapos nakumpleto ulit kami after ilang trip ng magpunta kami sa Calayo cove.

After that busy busyhan ulit, and nung paalis na siya papuntang New Zealand. sinama niya kami sa Cagbalete island para sa kanyang despidida outing ng tropa (team building) kumpleto sana kami kaso di pinayagan si roger ng kanyang wife.

Naging maikisi man ang pagsasama namin sigurado ako naging masaya at makulay ito, di man ako sigurado kung masusundan pa ang alis ng tropa ng kasama si nik, isasama nalang namin siya sa kwentuhan para di siya makalimutan. Ingat sa iyo kaibigan