Tuesday, March 06, 2007

The Pico de Loro Xperience




















Ang aming paglalakbay papunta dito sa lugar na ito ay na isagawa dahil sa pag organisa ng ANINO mountaineers. Matagal tagal narin naming napagiisipan at minimithi ang pag punta sa lugar na ito, pero wala sa amin ang naglakas ng loob upang pangunahan ang grupo sa kdahilanang ayaw naming masisi pag naligaw kami.. Sa sobrang tagal ay unti unting nawala ang aming pag nanais na pumunta dito at nadagdagan pa ng kwento na mahirap nga ang pag punta dito. Ang pagpunta namin dito ay di naging ganap na masaya dahil di namin lasama ang ilan naming ka grupo, sa kadahilanang maraming dapat asikasuhin, ang iba naman ay ayaw at ang iba naman ay sadya naming di inimbita... Naging malungkot naman sa aming paglisan ang dapat ay kasama naming si MIKE ngunit wala kaming magagawa dahil tatlo lang ang nakarehistro sa grupo... Ganun pa man nais kong balikan ang lugar na ito kahit na naging mahirap para sa akin ang pag akyat dito dahil na rin sa madaling sumakit ang aking paa dulot ng rayuma.
At sa pag balik namin sa lugar na ito ang tanging dasal ko lang ay sana maging mas malakas ang buhos ng tubig sa talon...

No comments: