Sunday, March 16, 2008

Hungree Burgers


Well last Saturday meron akong craving for a burger, naalala ko ang workmate ko na nagkwento sa akin ng burger joint that serve big burgers around 8 inches kabilog. Naisip ko itry tutal kahit sa mga buy one take one na burger nageenjoy ako pag wala na akong pera, Pumunta kami ng zobel roxas branch tutal mga 15 minute drive lang naman yun from our house and 3 lang yung branch nya isa sa merville parana-que at sa bautista makati. Nagulat ako at natuwa sa laki ng burger naisip ko kaya ko ito, lalo na kung kakaakyat kolang ng bundok siguradong kaya kong umubos ng isang buo. Pero dahil di pa kami sure sa lasa bumili lang ako ng dalawa isang super dooper atsaka isang super hungree. pareho sila ng laki ang kaibahan lang 2 ang patties ni super dooper atsaka mas marami siyang cheese, tomatoes and cucumber. Pinahati ko ng 6 slices ang isa at 4 slices yung isa ayoko ng eight baka diko maubos hehehehe.

Nagulat ako ng tikman ko yung burger .... masarap siya maihahalintulad ko yung lasa nya sa bigmac ng mcdo, malayo siya dun sa binibilhan ko sa pedro gil na buy 1 take 1. malinamnam yung beef patty nya okay din yung pag kaluto and ang da best ay malaki ito di ka tiyak mabibitin.. medyo maykalakasan kasi ako kumain kaya minsan bitin sa akin ang isang bigmac, pero itong super dooper ng hungree burger mabubusog ka. kaya kung hungree ka sa hungree ka kumain. heheheheh

May mga katanungan lang ako yung bulilit burger ba eh apo ng hungree burger , tsak pag 100% pure beef ba pati yun tinapay na ginamit beef din. atsaka hinde marunong mag spell yung may ari nito kasi mali spelling nya nga hungry.

Pero sobrang sarap ng burger mauulit ito

No comments: