Maagang gumising ang buong tropa, marahil sabik silang makarating sa puting isla mga ilang daang metro rin ang layo mula sa Paras. Naunang umalis ang grupo namin na kinabibilangan ni, Marie, Dave, Don, Mitch, Marimar, Cha at Janice. Pag dating palang sa pampang ay nabighani na kami sa ganda ng isla, kulay polburon ito pero malayo ang laso, alam ko ito dahil itoy aking tinikman. Medyo kokonti palang ang tao rito, mangilan ngilan palang kaya sinuwerte kaming makakuha ng magandang pwesto. Habang hinihintay naming an gaming ibang kasama ay nagpatimpla ng kape ang senior citizen ng grupo, (itago nalang natin sa pangalang marikotse). Ng matanaw naming an gaming mga kasama kitang kita sa kanila ang pagkabighani at mababanaag mo sa kanilang mga bibig ang pag sigaw ng piktyur piktyur. Aha gusto lang nila ng Kodak moments, agad ko naman itong binigay sa kanila.
Maya maya pa ay namataan namin si Mar at Cha na mega pictorial sa kahabaan ng buhangin, habang naglalakad ay patuloy sa pag porma para mag pakuha ng larawan sa isa’t isa. Aninag sa kanilang mata ang pagkabighani at saya sa lugar, o sadyang mega ngiti lang sila sa bawat takatak ng kamera. Kami man ay dinapuan ng inggit at siyempre naman gusto rin naming ng ebidensya na nakarating din kami dito, kaya Kodak moments muna kami. Mapakandid, mapakaserious lahat ay aming sinubukan sa harap ng kamera. Ilan beses din bang tumalon talon ang grupo para mag pakuha sa ere na ang iba nga ay sumakit na ang paa katatalon, pero patuloy prin alang alang sa kamera.
Habang tumatagal ay lalong umiinit dahil sa patuloy na pag taas ng dakilang araw, napapansin kong itoy sumasakit na sa balat kaya akoy nagpasyang tumambay na sa mga higantent (higanteng tent). Dito kami ay namili ng mga pasalubong at umorder narin ng makakain para sa aming almusal. Maya maya pa ay dumating ang iba naming kasamahan para mag paalam na mauna na sila sa Paras at duon kumain.
Pagdating naming sa Paras kami ay agad nagbabad sa pool na sa amin ay pinagkait ng madamot na gwardiya kagabi. Maya maya pa ay nasakop na ng buong grupo ang pool at duon kami ay naghabulan, Nag enjoy naman kami at napagod pero naging masaya ito, halos lahat kasi ay sumali dito kaya naging mas epektibo ang laro. Nang matapos ang laro ay kinailangan naming magbihis kaagad para mag handa sa aming pamamasyal sa ibat ibang lugar sa Camiguin.
Una naming pinuntahan ay ang Katibawasan Falls. Maganda ng talon na ito, pinaaalala nito sa akin ang buruwisan falls ng Famy laguna, Dito kami ay nag kodakan at ng magsawa na ay naligo sa tubig nito, masarap ang tubig malamig siya at maaliwalas sa balat, tumagal din kami ng ilang minuto dito, ayaw man naming umalis ay kailangan na dahil marami pang lugar na pupuntahan, di ko makakalimutan ang lugar na ito dahil dito nasira ang kamera namin ni Mitch. Habang papasakay na kami naiwan ang ilan sa amin at napahinto, sa pangunguna ni Tina isa isa nilang pinuntahan ang mga
souvenir shop at ininspeksiyun ang mga tinitinda nito.
Nagpunta kami sa Luna Pizza house para duon kumain ng aming tanghalian, sa una ay di namin napapansin ang bagal ng serbisyo at tagal sa pagdating ng aming mga inorder, pero kalaunan ay napuno ng yamot ang mga sarili dahil narin sa gutom, kaya naman pala, yung cook may-ari, cashier, waiter ng nasabing kainan ay iisa lang, naiintindihan naman namin pero di ito kayang tiisin ng nagwawala naming mga tiyan. Isaisang dumating an gaming pagkain at isaisa naming itong nilantakan, di pa nakukuntento an gaming order ay ubos na ang mga naunang order. Hindi naman kami masiba sadyang gutom lang.
Pagkatapos kumain ay sumakay kami ulit ng dyip na aming nirentahan para pumunta sa mga natitirang lugar na aming dapat puntahan, dito narin nag simula ang pagmamahalang namagitan kay Cyril at Mar, pagmamahalang maihahambing sa asot pusa na siyempre may umuwing duguan. Pangalawa naming napuntahan ay ang Walkway papunta sa tuktok ng Vulkan pero mas ninais ng aking mga kasama sa pangunguna ni Tina na tumambay nalang sa Souvenir shop sa paanan nito kesa umakyat ng pag kalayo layo.
Pagtapos ditto ay pumunta kami sa Ruins ng isang lumang simbahan na sinira ng pagputok ng bulkan, mapapansin mo pa ang mga adobeng kinapitan na ng ibat ibang uri ng halaman na nuon ay nagsilbing haligi sa isang malaking simbahan. Siempre sagrado ang lugar na ito para sa amin kaya matapos magdasal ng iba naming kasama ay wala ulit tigil sa kodakan ang grupo. Pagkatapos dito ay nagtungo kami sa Soda Swimming pool, di kami na impress at di namin matatawag na magaling magaling magaling ang lugar na ito kaya di na kami pumasok sa loob, isa pa saying ang entrance fee, kaya nagkasya nalamang kaming magkuhaan ng larawan sa labas ng lugar na ito, wala rin naming makakaalam na di kami pumasok sa loob dipo ba.
Mga alas kwatro na ng makarating kami sa tanawan ng Tres Marias, ito ay tawag sa tatlong burol sa bundok na magkakatabi. Dir in kami nagtagal sa lugar na ito sa kadahilanang maraming rumaragasang sasakyan buti nalang at walang nakasulat na “walang tawiran nakamamatay”. Mayamaya pa ay nakarating kami sa Sto NiƱo Cold Spring Resort, matagal tagal din kaming nagmasid mula sa labas nito at ang iba sa pamumuno ulit ni Tina ay ginalugod ang mga souvenir shops. Nagpasya akong pumasok para tingnan ang lugar, ng makita kong ito ay kaaya-aya agad akong lumabas at niyaya ang aming ibang kasamahan na pumasok. Pag pasok palang ay agad naligo ang iba sa amin at siempre ako ang nanguna dahil masyado akong natatakam sa paliguan na ito, pero di sila nag sisinungaling ng sabihin nilang cold spring ito dahil, nuknukan ito ng lamig, tumagal kami ng mga ilang minuto ditto, bawat galalw kasi naming ay de numero dahil ayaw naming mahuli sa susunod naming tatahakin.
Pagkatapos ng ilang minuto bumiyahe na kami pabalik sa Sunken Cemetery, pag kakaita palang naming sa lugar, agad kami ay nabighani sa ganda nito, ito ay dating sementeryo na lumubog dahil narin sa pagputok ng bulkan. Kami ay bumaba para sumakay sa bangka papunta mismo sa malaking kross na nakatirik dito. Nauna ang ibang grupo at sumunod nalamang kami. Dito ay nagkodakan kami hanggang sa pag lubog ng araw,
Gabi na ng makarating kami sa Vjandep, naging matagal ang paghain ng pagkain namin, pero lahat ito ay nasulit dahil sa lasa at sarap ng mga pagkain na inihain sa amin. Napawi lahat ng gutom naming at kami ay umuwing busog, Pagkatapos kumain ay umuwi na kami sa Paras, saglit lang kaming nagayos at mayamaya pa ay nagkitakita kami sa pool para muli ay mag relax at maligo, saying naman huling gabi nanamin ito dito kailangan na naming sulitin. Maya maya pa ay namataan na naming ang gwardiya na aaligid aligid parabagang nais na kami ay paalisin, maangas ang gwardiya kala mo siya ang may ari nito, para bang siya ang nagsasalok ng tubig ng pool kaya ayaw niya itong paliguan. Pero dinedma naming siya ni hindi naming siya tiningnan, paano ba namn niya kami tatawagin kung di niya alam an gaming mga pangalan, sa wakes naisahan naming siya, napabagsak naming ang mangsusupil na gwardiya, dahil binigyan kami ng management ng konting oras pa para maligo. Pagkatapos ko maligo ay naglaro kami ng ping pong ng aking mahal na si Mitch at pagkatapos magsawa ay tumigil na ako at dumiretso sa aking tulugan para matulog. Iniwan ko na sila. Nagkaroon din pala ng viewing ng larawan mula sa Kagay at ito ay kinadismaya ng iba. Pero ako bukas kona proproblemahin yan. Matutulog na ako.
Abangan ang pagtatapos
Para sa larawan pumunta lamang sa
http://www.thetribe.multiply.com/