Maaga kaming nagising sa pangalawang araw ng aming magarbong bakasyon sa CDO, marahil dahil ay kailangan naming umalis ng maaga para makadaan pa kami ng Bukidnon bago tumuloy sa patalan ng Misamis papuntang Camiguin. Sinimulan namin ng aking mahal na dyowa ang umaga sa pagkain sa McDo, pagkatapos kumain bumalik kami sa aming silid para sa huling pag aayos.
Maya maya pa ay dumating na ang dyip na maghahatid sa amin. habang naghihintay sa aming ibang kasama, dumaan muna kami ni Mitch sa tindahan para makabili ng malupit na rin-bee para naman may manguya sa biyahe, matagal-tagal din naman naming hinintay ang trends pipol na kumakain ng almusal. Pagdating nila ay agad sumakay at duon nagsimula ang pinaka nakaka boring na biyahe namin papuntang Camiguin.
Sa pag daong ng bapor sa patalan ng Camiguin kami ay sinalubong ng mga taga Paras, ngunit ano ito, may kaunting kaguluhan, iba ang pangalan ng sinusundo nila, at hindi pa dyan natatapos ang mga pangyayari, dahil hindi kami kasya sa isang van, masikip ito sa 17 tao kaya napilitan kaming maghiwahiwalay. Sabagay di naman talaga kami kasya sa iisang van. Nang magkaayos ay dumiretso na kami sa aming tutuluyan, dito ay binati kami sa pamamagitan ng pagsabit sa amin ng keychain at pagpapainom ng panghimagas. 
Nang maayos na ang lahat kami ay dumiretso sa aming kwarto, malapit narin magtakip silim kaya siyempre ito ay oportunidad para sa kodakan, dito inubos namin ang aming oras na magkodakan hanggang tuluyang maglaho ang araw at kainin ng kadiliman ang buong lugar.
Napagpasyahan ng grupo na dumiretso sa Ardent Hot Spring Resort at duon narin kumain ng hapunan, habang ang iba ay naliligo abala naman ang iba sa pagpili ng makakain ng grupo,
at si sir Sam naman ay magiting na binabantayan ang aming kagamitan. Maya maya pa ay umahon na ako kasama si Mitch para palitan sa pagbabantay si Sir Sam, Ilang saglit pa ay andito na ang buong tropa, at makikita sa kanikanilang mata ang gutom, dala narin siguro ng pagod buhat sa mahabang biyahe. Pag dating ng pagkain kami ay nanahimik at agresibong nilantakan ang mga pagkain, na kinatuwa ng lahat. Pagkatapos kumain sa pamumuno ni Tina sila ay pumunta sa mga souvenir at kami naman ay muling naligo, sayang naman diba minsan lang ito.
Pagkatapos maligo naiisipan ng iba na mauna na at sa Paras nalang magkitakita, ito ay tinutulan ng iba dahilnaisip namin na mas maganda kung sabay sabay na umuwi at matikman ang pool sa Paras. Sa biyahe palang ay masaya na kami dahil busog na, gumagana nanaman ang aming emahinasyon at aming napagtripan pagkwentuhan ang aswang na ikinatuwa ni Janice, Hmp. , ,
Pagdating sa Paras ay mag aalas diyes na agad akong lumubog sa pool na hindi ikinatuwa ng gwardiya sibil ng nasabing resort, ayaw niya na ako paliguin kaya ako ay pinaahon niya. Hindi ako papatalo kaya di ako umuwi at hinintay nalang ang kanyang pagaalis, mayamaya pa ay dum ating si kasamang Cyril. Di paman niya nailulubog sa tubig ang kanyang katawan ay andyan na naman ang gwadriya sibil na may dala dalang shot gun at makikita sa kanyang mga mata ang tingin sa amin ay kaaway. May baril siya kaya nakuntento nalang kaming maligo sa shower sa
tabi ng pool, mahirap na baka biruin kami ng tadhana at padaplisan ng bala.
Pagkatapos mag ayos at magbihis ng aming mga kasama, nagpatawag ng grand eyeball ang aming kasamahan para mapag
usapan ang lakad kinabukasan, dito na lumabas si kero kero pi na kinatakot ng iba, agad din naman itong umalis at naituloy ang kwentuhan at miting de abanse, ako ay tinatamad na kaya ako ay nagpaalam, di rin naman ako pwedeng uminom kaya matutulog nalang ako.
at dito nagtatapos ang aming pangalawang araw.....
abangan ang day 3 .......
para sa mga larawan pumunta lamang sa
No comments:
Post a Comment