Monday, April 21, 2008

the CDO-CAMIGUIN xperience Day 1

Masaya ang naging aming post holy week vacation, maaring natagalan ang aking pag post nito subalit sa aking isip ay nanatiling sariwa ang lahat.



Matagal tagal din namang pinalano ang bakasyong grandeng ito na nakuha sa suhestiyon ni Marimar, marami ang natuwa at wala namang umangal, merong mangilan-ngilan na natulala sa gagastusin pero bahagyang nabuhayan ng loob ng maisip na minsan lang itong gagawin.


Nobyembre palamang ay pinaplano na ang pag alis na ito, gamit ang kani-kanilang computer sa opisina, lahat ay nagsaliksik tungkol sa lugar na ito, nag-ukol ang lahat ng panahon pero ilan lamang ang talagang kumilos para sa lakad na ito. kaya sila ay tawagin nating magaling, magaling magaling.




Pagkalipas ng ilang buwan ay eto na't na kita namin ang aming mga sarili sa paliparang lokal ng pilipinas para sumakay ng eroplanong kay aga-aga. Matagal tagal din naming hinintay ang pagpapasakay ng Cebu Pacific papuntang CDO, buti nalang at may dala dala kaming playstation portable, at habang naghihintay panay naman ang aming gulpihan sa larong tekken na kitang kita sa mukha ni Cyril ang pagkabighani at lagi siyang talo at di rin maitatago ang pagkaingit ni Nik dahil bukod tanging siya lang sa lalaki ang walang PSP, maya maya pa ay pinasakay na kami. Pero may napansin ako hindi halatang excited ang kasama naming si Gay, naka pang ligo na siya kahit malayo pa.


Sa eroplano palamang ay wala ng tigil sa kodakan ang tropa, ultimo loob ng eroplano ay ginagawang subject, kahit mga pasaherong puyat na di namin kilala ay kinukunan din, walang makakaligtas sa amin, pati sa labas ng bintana na nasasakop ng kadiliman ay di namin pinatawad. Bahagya kaming naidlip at nagutom dahil kahit boy bawang walang binibigay ang Cebu Pacific.


Pag kadating namin sa CDO umarkila kami ng isang malupit na dyipni at pilit pinagkasya ang aming mga sarili sa pituhang dyipni. Sa Dyip palamang ay mababatid mona ang saya ng tropa, kahit mukhang puyat at di nag-sipagligo makikita ang mga ngiti sa kanilang mga maata na pilit pinagdidikit ng muta sa magkabilang talukap.


Pagkatapos mag tsek-in sa Hotel na muntikang di makita ay dumiretso ang lahat sa Chowking para dun hintayin ang mga bataan ni Dodoy ng Kagay habang nilalagyan ng laman ang aming mga tiyan na kanina pa nag aaklas sa gutom.


Pagdating namin sa jump-off point ng CDO White Water Rafting, nangati ulit ang mga daliri namin kaya di naman napigilan ang mag kodakan at dito ko naisip na ang hirap maging photographer dahil konti lang piktyur mo pag katapos.


Naging masaya ang aming naging karanasan dito, kahit muntik na akong mahulog at nahirapan makatayo dahil ayaw ako bitawan ni Marimar na halos durugin ang braso ko sa pagkakahawak.

At kahit konti lang ang larawan at video namin mula sa Kagay ay okay narin, importante lang naman ay meron kahit isang larawan na magpapatunay na nakarating na kami sa lugar na ito at ginawa namin ang mga bagay na ito diba?



Pagkatapos ay kumain kaming ng aming tanghalian sa di ko matandaang lugar pero tandang tanda ko ang mga inulam namin, dahil nakarami din ako ng kain. bahagyang natigilan ang aming mga subo dahil nawala sa paningin namin ang pamilya Alamani bigla silang naglaho, ang iba ay nataranta sa paghahanap at ang iba ay nataranta sa pagkain ng pinya na ubod ng tamis. Ng makita namin sila agad naming pinakain, buti nalang at napigilan namin ang aming sarili, dahil kung hindi malamang ay nagutom ang pamilya ni sir Sam.

Pagkatapos kumain at dumighay, ang iba ay sumimple sa pagutot para matangal ang hangin na naisama sa aming pagngasab at paglunok, kami ay nag tungo sa Macahambus Adventure Park, dito ay naglakad kami sa tulay na nakalutang sa ere(canopy walk), na may taas na 150 talampakan at kung sakaling mahuhulog ang tsinelas mo ay uuwi ka ng nakayapak. Pero amin itong ginawa at di pa pala ito ang pinaka atraksyon ng lugar na ito, meron din silang tarzan tarzanan (ziplining) na talaga namang napakasarap. Buti nalang at walang naihi meron lamang napatili ng putolputol tulad ng ginawa ni ate Gay at meron ding tumili na lalake tulad ni Harry. Pagkatapos ay tumuloy kami sa Kweba ng Macahambus at dun naglibot libot ang iba naming kasamahan ata naiwan ang tamad sa labas para maisalarawan ang mga pangyayari sa labas sa tulong ng magkapatid na Don at Dave ni sir Sam, Mar at ni Mitch nailagay namin sa larawan ang magandang karanasan na ito.


Pagod kami ng umuwi sa aming mga kwarto, pagkatapos maligo ay nagkita kita kami para kumain sa Divisoria ng hapunan, masarap ang pagkain at mura pa kaya nasabi namin ang mga katagang, Magaling Magaling Magaling. Pagkatapos kumain, ang iba sa amin ay natulog na at ang iba naman ay nanatili sa labas para sulitin ang gabi.

Itutuloy . . . . . . . . . . . . .
para sa larawan pumunta lamang sa



















1 comment:

Nick Ballesteros said...

Por da record, hindi po ako nainggit sa PSP ninyo kasi kasama ko naman iPhone ko. See please here.